Picture

Scroll down for the English version:

Alalahanin mo na sa umpisa pa lang,
Binigyan na kita ng babala:
Hindi ako ang taong karapat-dapat na ibigin mo,
dahil wala akong maisusukling pagmamahal sa’yo.
Hindi ako ang taong dapat asahan mo na gagamot sa iyong mga sugat,
dahil wala akong lugar para isilid ang iyong mga halimaw na emosyon.
Hindi ako ang taong dapat na isipin mong itatawid ka sa walang hanggan,
dahil wala akong pag-ako sa bukas, nabubuhay lang ako sa ngayon.
Binigyan na kita ng babala:
Sa pagitan ng mga dampi, kapit, tangan, kapa, saling, hawak, yakap, hagkan, yapos, hipo, haplos, halik, alak,
at sa mga gabing natatapos din sa mga gabing iyon.
Wala akong maiibigay sa’yo sa tuwing sisilip na ang liwanag.
Wala rin akong katiyakan na sa mga susunod na araw, gugustuhin pa rin kita.

Tandaan mo na sa umpisa pa lang,
noong hinawakan mo ang aking kamay,
paulit-ulit kong pinangunahan ang iyong nakiki-usap na mga mata–
Hindi mo ako kayang baguhin,
dahil matagal nang patay ang aking kaluluwa.
Huwag na huwag mong ihuhulog ang iyong damdamin,
dahil nakalimutan ko na kung paano umibig, bakit umiibig, at anong saya ang dulot ng pag-ibig,
Huwag na huwag mong pangarapin na magkakaroon ng tayo,
dahil walang laman at panglaman ang aking puso.
Huwag na huwag mong itago ang mga sandaling ating pinagsaluhan,
dahil sa bilang lang na mga araw na kailangan kita: at saka lang kita pipiliin.
Huwag na huwag mong ikatuwiran sa akin na may kakayahan ang taong magmahal,
dahil walang pag-asa ang kagaya ko.
Huwag na huwag mong itaya ang iyong kinabukasan sa akin,
dahil ilalagay lang kita sa purgatoryong madilim at masalimuot.
Huwag na huwag kang managinip na makapagpapatayo tayo ng sarili nating paradiso,
Dahil wala akong kakayahang gumuhit ng palasyo gamit ang pudpod kong puso.
Huwag na huwag mo kong iuwi sa masayang parte ng iyong alaala,
dahil linta lang akong kumakailangang makinig sa ibang pulso at sumipsip sa ibang dugo para makatawid sa ngayon.

Gunitain mo na tulad mo,
ang dati kong sarili ay nakatagpo ng kagaya ko ngayong nagbabala,
ngunit piniling magmahal kahit walang kapalit na kasiguraduhan.
Gunitain mo na tulad mo,
ang dati kong sarili ay pinilit na sundan ang nadaramang emosyon,
kahit puwang lang naman sa himlayan ang kalalagyan nito.
Gunitain mo na tulad mo,
ang dati kong sarili ay sinubukang magmatigas at mag-waring sundalo,
kahit matagal nang namanaw ang pusong pinaglalabanan.

Turuan ka sana ng aking mga babala–
Kapag ikaw pala ay iniwan, anumang lalim ng pag-ibig, nauubos din.
Kapag ikaw pala ay nasaktan, hindi ito natatapos sa pagtahan–
Nagwawakas ito sa oras na makalimutan mo ang bakas ng kahapon.
Titigil din ang iyong pagluluksa kapag naghilom na ang mga sugat.
Huhupa rin ang iyong galit, takot, sakit at iba’t ibang nagsusumabog na pagdaramdam.

Pero huwag kang makonsuwelo sa iyong pagbangon.
Mabubuhay nga ang iyong bagong kaluluwang mas matatag,
ngunit lagi na itong magiging manhid, puno ng sapot, walang espasyo’t alaala, at halos patay na.
Kaya ngayon pa lang, kung ayaw mong malibing ang iyong puso nang buhay,
Makinig ka sana sa aking paulit-ulit na babala.
Dahil kapag ikaw ay nahuli ng aking patibong,
alalahin mo na hindi ko ito ginusto.
At kung sumapit man ang araw ng iyong pagbaon sa aking mga ipinamalas na mga sugat,
pasasalamatan mo rin ako.

Picture

The Day Will Come When You Would Thank Me

Remember that from the very start,
I gave you a warning:
I am not the person who deserves your love,
for I can never reciprocate your feelings.
I am not the person whom you can count on to mend your wounds,
for I have no expanse to keep your monster of emotions.
I am not the person who can bring you to your until kingdom come,
for I cannot guarantee tomorrow, I only live with the now.
I already gave you a warning:
in between touches, pats, caresses, fondles, smooches, caresses, embraces, hugs, cuddles, cradles, clutches, holds, squeezes, kisses, alcohols,
​and evenings that end as soon as the night creeps out.
I cannot give you anything more when the light peeps in.
I cannot assure you that in the coming days, I would still yearn for you.

Bear in mind that from the very beginning,
when you held my hand,
I repeatedly dwarfed your begging eyes–
You cannot change me.
You cannot change me!
for my soul has long been dead.
Do not fall for me,
for I have forgotten how it is to love, why there is a need to love, and what joy this love could bring.
Do not dream that there will ever be an us,
for my heart is hollow and it cannot fill you with a bed of emotions.
Do not cherish our moments shared,
for I will only choose you during those momentary days when I crave for you.
Do not justify that like any kind of human being, I have the capacity to love,
for persons like me do not have hope.
Do not gamble your fate with me,
for I will only transcend you to a purgatory of darkness.
Do not dream that we can mount our own paradise,
for I have no flair to draw a castle using my obtuse heart.
Do not ever take me home to your happy memories,
for I am just a leech that needs to listen to another one’s pulse and suck to another one’s blood in order to survive.

Recall, that like you,
my former self met someone like me who also gave warnings;
but I chose to be infatuated even without certainty of reciprocation.
Recall, that like you,
my former self foolishly followed her emotions,
even if it will only vanish to that deep space for the dead.
Recall, that like you,
my former self attempted to be stubborn and soldier on,
even if the heart that it would fight for has long been slaughtered.

May you learn from my exhortations–
That when you have been abandoned, no matter how profound your love is, it will also deplete itself.
That when you have been hurt, it will not shut out when you have dried your tears–
It will end when you have left behind the ghosts of your past.
You will only stop mourning when your wounds have healed.
Your anger, fear, pain, and other bursting emotions will subside.

Do not comfort yourself with the fact that you will be restored.
Yes, your soul will be resuscitated— stronger,
Yet it will forever be callous, full of cobwebs, heartless, without space, amnesic, almost dead.
So, now, if you do not want to bury your heart alive,
Listen to my stern warnings.
For if you fall into my traps,
Remember that I didn’t want this to happen.
And if ever this day would come— when you need to bury the wounds I have inflicted on you,
You would thank me.

*Fret not. This is a mere figment of my imagination. My heart is still capable of loving ;-P

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *